Thursday, 15 September 2011

Taguig City Center of Residential Services

Isa sa mga pinapangarap ng pamilyang Pilipino ay ang magkaroon ng maayos na tahanan. Nakakalungkot mang isipin ngunit, marami sa ating mga kababayan ang wala permanenteng tahanan.Kadalasan, sila ay naninirahan sa mga bangketa, mga silog ng tulay, sa tabi ng reles at sa tabi ng ilog. Buti na lamang at dumarami na ang mga residential communities na naipapatayo sa iba't-ibang parte ng ating bansa na naglalayon na mabigyan ang bawat Pilipino ng maganda at maayos na tirahan. Isa sa mga lungsod kung saan dumarami ang mga residential communities ay ang Taguig City.
Ang Taguig ay isang lungsod na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Laguna de Bay shore at kasama rin ito sa mga lungsod na bumubuo sa Metro Maynila. Base sa ulat ang lungsod na ito ay importanteng sentro na ng residensyal, komersyal at industriyal na serbisyo sa Pilipinas. Maraming malalaking mga kompanya ang nasa syudad ng Taguig, mapa call center companies o I.T. companies, fast food chains tulad ng Jollibee at Mcdonalds, mga shopping malls, mga pasyalan at amusement parks para sa pamilya at magbabarkada at mga condominiums communities. Tulad ng sinabi namin sa unang parte ng blog post na ito, dumarami ang mga residential communities dito sa Taguig at isang patunay diyan ang mga naglalakihang condominiums sa palagid ng syudad at syempre mga apartment for rent na nakaadvertised sa TV o internet. Isa sa mga kilalang home builders dito sa Pilipinas ay ang DMCI Homes. Sa katunayan, mayroon silang limang condominium communities sa Taguig, nariyan ang Bonifacio Heights Condominium, Cedar Crest, Cypress Towers, Rosewood Pointe at Royal Palm Residences. Ang mga condominium communities na ito ay ginawa ng mga pinaka magagaling na mga engineers at architects. Ang mga desinyo ay talagang pinag ukulan ng oras at ng panahon upang maibigay sa mga residente ang pakiramdam na tinatawag na "There's no place like home". Ang DMCI ay may leasing services kung saan maaari ka tumira sa magagarang mga condo units nila sa mura, abot kaya at syembre resonableng presyo. Marami sa mga residente na aming nakausap ay nagsasabing napakaganda ng serbisyo at seguridad na ibinibigay ng nasabi home builder. Para sa anumang katanungan o iba pang pangangailangan tungkol sa nabanggit na home builder maaaring niyo bisitahin ang kanilang official website.
Maaari niyong sabihin na wala namang pera upang pambili o pambayad sa renta sa mga nasabing condominium communities na ito. Huwag mag-alala dahil ang ating local na gobyerno sa pamumuno ng ating Pangulong Aquino ay nangangako ng trabaho para sa lahat ng mamamayan n gating bansa. Isa sa mga main goals ng administrasyon Aquino ay ang trabaho o hanapbuhay para sa lahat. Kung tutuparin ito ng mga namumuno sa atin hindi na natin masasabi na hanggang pangarap na lamang ang pagkakaaroon maganda buhay. Lalo’t na gumagawa na ng paraan ang mga na puwesto upang tayo ay tulungan. Hindi na rin isang pangarap ang pagkakaroon ng isang ng maganda at ligtas ay tahanan dahil nariyan ang maraming residential communities na maaari natin pagpilian sa mura at abot kayang halaga. Iyan ang lungsod ng Taguig, isang papaunlad na lugar na naglalayon ng kaunlaran sa buong bansa.

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites